Paglabas ng bata depende pa rin sa LGUs’

DESISYON pa rin ng mga lokal na mga pamahalaan kung papayagang makalabas ng bahay ang mga batang edad lima pataas, ayon sa Malacañang.


Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ipauubaya rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga local government units ang pagtatakda ng edad sa mga batang papayagang lumabas.


“We are giving authority to the LGUs if they feel they are not ready to lower the age limit to five or for whatever reason, they are very protective, they can decide the age restrictions,” paliwanag ni Nograles.


Base sa bagong panuntunan ng IATF, papayagan lamang ang mga batang lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ).


“Outdoor areas shall be limited to parks, playgrounds, beaches, biking and hiking trails, outdoor tourist sites and attractions as may be defined by the Department of Tourism, outdoor non-contact sports courts and venues, and al-fresco dining establishments in the previously mentioned areas,” dagdag nito.


Hindi kasama ang mixed-use indoor/outdoor buildings at facilities gaya ng malls at mga kahalintulad na establisimento.


“In addition, children must be supervised by adults and observe minimum public health standards, such as wearing of face masks and social distancing,” ayon pa sa ahensya. –WC