NAGSIMULA ngayong araw ang pagbabakuna sa mga Pinoy na pasok sa A4 priority list o mga manggagawa/economic frontliners.
Kabilang sa mga unang 50 naturukan sa SM Mall of Asia ang tatlong BPO personnel, tatlong travel guide, dalawang tricycle driver, apat na empleyado ng SM, at apat na nagtatrabaho sa bahay.
Kasama rin sa naturukan ang tatlong driver, apat na guro, limang empleyado ng gobyerno, apat na fasfood crew, tatlong delivery rider, at pitong miyembro ng media.
Prayoridad sa pagbabakuna ang mga residente ng National Capital Region, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Metro Cebu at Metro Davao.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagbabakuna sa mga manggagawa ang simula ng pagtatapos ng paghihirap ng mga Pilipino sa pandemya.
“We can now see the light at the end of the tunnel as the vaccine shipments have arrived, have started to arrive in bulks. With the start of our mass vaccination, the A4 priority category, our workers in both public and private sector, will have an added layer of protection against the disease,” sabi ni Duterte. –WC