PANSAMANTALANG sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 na naka-schedule sa Biyernes, Pebrero 4.
“The rollout for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges,” ayon sa DOH nitong Huwebes.
Imbes na sa Pebrero 4, gagawin ang rollout ng bakunahan sa nasabing age group sa anim na lugar sa Metro Manila sa Lunes, Pebrero 7.
Paliwanag ng DOH, napagpasyahan na ilipat ang araw ng bakunahan para matiyak na magkaroon ng “adequate preparation and distribution” ng Pfizer vaccines na darating sa Biyernes, Pebrero 4, na siyang unang araw na naitakda para sa rollout.
Tanging Pfizer pa lamang ang nabigyang ng emergency use authorization para sa pagpapabakuna ng mga batang may edad 5 hanggang 11.