P1M bakuna na tinangkang ibenta, galing sa gobyerno

ISINIWALAT ni National Vaccination Operations Center chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mula sa binili ng gobyerno ang P1 milyong halaga ng Sinovac vaccine na tinangkang ibenta ng nurse sa Maynila kamakailan.


Sa isang panayam, sinabi ni Cabotaje na ito ang lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa lot at batch numbers ng mga nakumpiska.


“Based on the lot number, these are government-procured, but let us wait for the full report but I’d like to stress dapat hindi tinatangkilik yan,” dagdag ng opisyal.


Nakumpiska ng NBI ang 300 vials mula sa nurse na si Alexis de Guzman ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center. –WC