HINDI na halos makagulapay ang One Hospital Command Center dahil buhos ng mga tawag mula sa mga naghahanap ng ospital para sa mga pasyenteng tinamaan ng Covid-19.
“Because of the surge, the One Hospital Command is experiencing a lot of strain,” ani Health Undersecretary Leopoldo Vega sa panayam sa TV.
Ang One Hospital Command ay ang Covid-19 referral center ng pamahalaan. Aniya, umaabot sa 400 ang tawag ngayong buwan mula sa 70 noong Pebrero.
“It kind of overwhelms also the number of agents that are going to refer patients to the different hospitals,” aniya.
“We are seeking the understanding and the patience of the public that we’re trying to improve more the command center so we can respond to and serve the public better,” dagdag ni Vega.