PELIGRO pa rin sa buhay ng mga hindi bakunado ang COVID-19 Omicron variant kahit sinasabi na hindi ito kasing lala ng Delta variant, ayon sa World Health Organization (WHO).
Kinumpirma rin ng WHO na ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo ay dulot ng Omicron variant.
“While omicron causes less severe disease than delta, it remains a dangerous virus, particularly for those who are unvaccinated,” aniy ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.
“We mustn’t allow this virus a free ride or wave the white flag, especially when so many people around the remain unvaccinated,” dagdag pa ng opisyal.
Aniya, sa Africa, 85 porsyento ang hindi pa nakakatanggap ng COVID-19 jab.
“In Africa, over 85 percent of people are yet to receive a single dose of vaccine. We can’t end the acute phase of the pandemic unless we close this gap.”
Bagaman maiiwasan ang pagkamatay at severe cases ng COVID-19 dahil sa bakuna, iginiit ng WHO official na hindi maiiwasan ang pagkalat ng virus.
“More transmission means more hospitalizations, more deaths, more people off work — including teachers and health workers — and more risk of another variant emerging that is even more transmissible and more deadly than omicron,” aniya.