UMAASA pa rin ang OCTA Research Group na magiging masaya pa rin ang Pasko ng mga Pinoy sa kabila ng muling pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Sinabi ni OCTA fellow Prof. Ranjit Rye na hinangad pa rin niya na mababa pa ang mga tinatamaan ng virus.
“Hopefully, if we can improve our booster rates, we can get more people to get vaccinated, I am hopeful that we will have a Merry Christmas po. Ang key issue dito is how to reduce the infection rate,” sabi ni Rye.
Aniya, nasa desisyon na ng bawat indibidwal kung papaano poprotektahan ang sarili matapos ang luwagan ng gobyerno ang pagsusuot ng face mask.
“At this point, government has changed policy and left it to the individual to make his own choices and to assess the risk,” aniya.