New record high single-day tally: 22,366 bagong kaso

MULING nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bago ng kaso ng coronavirus disease ngayong araw.

Sa tala ng Department of Health, umabot sa 22,366 ang bagong kaso ngayong Lunes, Agosto 30. Ito ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa kasaysayan ng bansa simla noong nakaraang taon.

Dahil dito umakyat sa 1,976,292 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa bansa.

Nasa 148,594 naman ang active cases habang ang total recoveries ay naitala sa 1,794,278. Umakyat naman ang bilang ng mga nasawi sa 33,330 matapos maitala ang 222 new fatalities.