TARGET ng pamahalaan na ipatupad ang “new normal” o ang pagdedeklara ng Alert Level 1 sa bansa sa Marso.
“So hopefully po, starting March, if all goes well, magsisimula na po tayo dito sa tinatawag nating new normal to prepare the country to afinally close the book on COVID-19. Hopefully po, barring any other new variants that may come our way,” ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon.
Kasabay nito ay hindi rin isinasantabi ng pamahalaan na makuha ang target na 90 milyon Pilipino ang mabakunahan sa pagdating ng Hunyo.
“Right now po, nasa 61.5 million na tayo, roughly about 70 percent of that target. So ang napapansin lang po namin, as we approach that target, as we come closer to our target, it becomes more and more difficult to vaccinate and find those who are unvaccinated.,” aniya.