DAHIL sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 ay luluwagan ang quarantine status ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal sa susunod na linggo, ayon sa Malacañang.
Sa kasalukuyan ay umiiral sa NCR Plus ang general community quarantine (GCQ) “with restrictions,” pero pagdating ng Hulyo 16 ay ibababa na ito sa “ordinary” GCQ.
“The numbers are looking good,” ani presidential spokesperson Harry Roque.
“Based on the figures Metro Manila Plus might be looking at a de-escalation. It may not be to MGCQ, but it could be to ordinary GCQ.”
⁶
Ang GCQ ang ikalawa sa pinakamaluwag na quarantine restriction bago ang modified GCQ. Sa ilalim nito ay mas maraming negosyo ang bubuksan at hindi na gaano kaistrikto ang mga travel restrictions. –WC