NCR Plus ilalagay sa GCQ ‘with heightened restrictions’


ISASAILALIM sa general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang NCR Plus–Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal– mula Agosto 1 hanggang 15 habang paiiralin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa probinsya ng Iloilo at sa tatlong siyudad hanggang Agosto 7.


Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, tinabla ni Pangulong Duterte ang panawagan ng mga Metro Manila mayors na isailalim sa ECQ ang National Capital Region at imbes ay inaprubahan ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).


Mananatili sa ilalim ng ECQ ang buong probinsya ng Iloilo, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City hanggang Agosto 7.


Ipatutupad naman ang modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Agosto 1 hanggang 15 sa mga sumusunod: Ilocos Norte, Bataan, Lapu-Lapu City, Mandaue City.


Iba pang lugar na isasailalim sa GCQ with heightened restrictions ay ang Ilocos Sur, Cagayan, Lucena City, Naga City, Antique, Aklan, Bacolod City, Capiz, Negros Oriental,
Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental at Butuan City.
Nasa ilalim naman ng GCQ sa buong Agosto ang mga sumusunod: Baguio City, Apayao, Santiago City, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, Batangas, Puerto Princesa,
Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Sur, at Cotabato City.


Ang iba pang mga probinsyang hindi nabanggit ay isasailalim sa pinakamaluwag na modified GCQ sa buong Agosto. –WC