NAIS ng OCTA Research Group na paigtingin ang NCR Plus bubble upang maproktehan ang rehiyon sa banta ng Delta variant ng Covid-19 habang isinusulong ang ekonomiya.
Nitong nakaraang araw ay nagbabala ang Department of Health sa pagkalat ng Delta variant makaraan nitong iulat na mayroon nang 11 local cases ang mas nakahahawang variant.
Ani OCTA Research fellow Guido David, maiiwasan ang hawahan kung malilimitahan ang paglabas-labas sa bubble.
“Ang idea naman ng bubble, I think nag-work naman siya a few months ago nang nagka-surge tayo. Kabaligtaran lang ang mangyayari ngayon. Ang bubble natin is designed is to protect NCR Plus from the outside para hindi makapasok dito basta-basta ang mga variant na iyan,” ani David sa isang panayam.
“‘Pag may bubble tayo at protected tayo dito sa loob ng NCR Plus, di tayo ma-affect from outside at patuloy ang ekonomya natin,” dagdag niya.
Sinabi rin niya na kapag may bubble, hindi na kailangan pang nawalan ang mga bata na lumabas uli..
“We have to be proactive. Hindi natin pwede hintayin na may makita tayong nagsu-surge na, bago tayo mag-react at mag-respond dito sa threat ng Delta variant,” aniya pa.