UMABOT na sa 50 milyon doses ang naiturok ng pamahalaan bilang bahagi ng kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19), ayon sa datos mula sa National Vaccination Operation Center (NVOC).
Idinagdag ng NVOC nitong Oktubre 11, 2021, nakapagbakuna na ng 50,066,590 doses sa 30 milyong Pinoy sa buong bansa, kung saan 23,360,489 indibidwal na ang fully vaccinated o 30.28 porsiyento ng target na populasyon.
“This milestone comes at a time when our country’s vaccine supply is continuously arriving in bulk, and the entire government is focused on ramping up the vaccination program to ensure we inoculate as many people as possible in a faster and more efficient manner,” sabi ni Vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr.