HINDI inirerekomenda ng OCTA Research Group ang muling pagsusuot ng face shield sa kabila ng banta ng Omicron variant.
Sinabi ni Octa Research fellow Dr. Guido David na dapat gamitin lamang ang face shield sa panahon na may surge ng virus.
“During a surge naman, sinupport naman namin ‘yung paggamit ng face shield dahil siguro kahit papa’no baka may added layer of protection ‘yan,” ayon kay David.
“Pero sa ngayon, hindi pa naman siguro kailangan ‘yan,” pagpapatuloy niya.
Nilinaw niya na malayo sa surge ang nangyayari sa bansa ngayon.
“Malayo pa naman tayo umabot sa medyo malalang surge sa ngayon kahit na magkaroon ng uptick kasi napakababa ng bilang ng kaso natin,” ayon kay David.
“I mean, kung umabot tayo sa mga a few thousand cases per day mula ngayon sa mga [200] to 300 eh medyo magiging serious na talaga ‘yung usapan dito. Pero sa ngayon, hindi pa naman agad-agad aabot tayo sa sitwasyon na may mga a few thousand cases per day tayo,” dagdag pa niya.
Ngayong araw, nagtala ng 433 na kaso ng Covid-19 ang Department of Health (DOH).