POSIBLENG gawin dito sa bansa ang produksyon ng Molnupiravir, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Ang Molnupiravir ay isang oral medicine para sa mga indibidwal na may mild at moderate na kaso ng COVID-19.
Sinabi pa ni Duque, hinihintay na lamang ang ang go-signal ng Food and Drug Administration (FDA) para gawin ang gamot sa bansa.
“Posible naman ‘yan talagang dito na ilikha itong gamot na ito at ‘yun na nga inaayos lang ang mga dokumento para mabigyan ng FDA at tska ng Department of Health (DOH),” ayon kay Duque.
Samantala, hindi naman binanggit ng kalihim ang eksaktong petsa kung kailan sisimulan ang produksyon.
“Depende ‘yan sa bilis ng kanilang pagsumite ng mga required documents. Kung masumite nila agad, wala naman nakitang dahilan kung bakit kailangang tumagal ang paggawa nito,” ani Duque.