MANANATILI sa Alert Level 1 ang Metro Manila, kasama ang 47 iba pang lugar sa bansa mula Marso 16 hanggang Marso 31, 2022.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na bukod sa National Capital Region (NCR), inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasailalim sa Alert Level 1 nga mga sumusunod na lugar:
Para sa Luzon: Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, Santiago City, Isabela at Quirino; Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales; Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City; Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon; at Region V: Naga City at Catanduanes.
Para sa Visayas, sakop ng Alert Level 1 ang Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City; Region VII: Cebu City at Siquijor; at Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City.
Sa Mindanao, Alert Level 1 sa Region IX: Zamboanga City; Region X: Cagayan de Oro City at Camiguin; Region XI: Davao City; at CARAGA: Butuan City.
Alert Level 2 naman ang iba pang lugar na hindi nabanggit hanggang Marso 31, 2022.