SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa ipatutupad ng gobyerno ang mix and match ng mga bakuna sa kabila nang ginagawa ng ibang bansa.
“We have are all experts’ group kung saan ang sabi po nila it is prudent for our government to delay ito pong mixing and matching kasi ito pong mga ebidensiyang lumalabas around the globe, hindi naman na-include iyong mga bakunang available dito sa ating country,” sabi ni Vergeire.
Idinagdag ni Vergeire na mas mainam na hintayin na lamang ang ginagawang pag-aaral ng
vaccine expert panel sa Pilipinas.
“There is this big study that is being done and results will be coming out this 3rd quarter na maaaring makapagbigay sa atin ng additional evidence para makita natin if it’s really going to be safe and the efficacy will be the same kapag nag-mix and match po tayo,” aniya.