Mix-and-match na bakuna mas epektibo

INIHAYAG ng Food and Drug Administration (FDA) na base sa inisyal na pag-aaral ay lumakas ang immunity laban sa Covid-19 sa paggamit ng mix-and-match na bakuna.


Ani FDA Director General Eric Domingo: “Preliminary studies in other countries are very encouraging mukhang tumataas yung effect, immunity saka ng reaction ng pasyente.”


Sinabi ni Domingo na tinututukan ng pag-aaral ang pagma-match ng Sinovac o Sinopharm sa bakuna ng Moderna at Pfizer.


Samantala, sinabi ng FDA na nag-isyu na ito ng emergency use authorization (EUA) sa Department of Health para sa nakatakdang donasyong bakuna ng Johnson & Johnson mula sa US at AstraZeneca mula sa Japan.


Pinag-aaralan na rin, ani Domingo, ang nirebisang aplikasyon ng EUA ng Sinovac mula sa China para sa magamit sa mga batang mula tatlong hanggang 17 taon.


“Ito inaaral natin, siguro within the month will see if we will allow the use Sinovac in children,” ayon sa opisyal.