HINDI pa rin pinapayagan ang mga bata sa loob ng mall at mga park sa ilalim ng Alert Level 3.
Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang briefing Huwebes.
Maari lang payagan ang mga bata may edad 17 pababa sa labas ng bahay para mag-ehersisyo.
“Para sa menor de edad, bawal pa rin po ang gala ng mga kabataan except po for individual outdoor exercises,” sabi ni Roque.
Ginawa ni Roque ang paliwanag matapos mag-trending ang isang mall sa Parañaque kung saan makikita ang napakaraming bata na naglalaro sa playground.
“Kasi hindi pa sila bakunado kaya susceptible pa rin sila. So, hindi naman po binago ang rule. Kung kinakailangan, dahil ito po ay necessity, para bumili ng gamot, bumili ng pagkain, para magtrabaho ay hindi naman po sila pinagbabawalan,” ayon pa kay Roque.