KABILANG Ang dalawang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa libo-libong mga bata na may edad 5-11 ang binakunahan ngayong araw.
Dapat ay nitong nakaraang Biyernes pa sinimulan ang pagbabakuna sa mga batang 5-11 anyos pababa pero inurong ng Department of Health dahil sa umano’y “logistical challenges.”
Biyernes ng gabi lang dumating ang 780,000 dosage ng bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech na gagamitin para sa mga bata.
Ipinost sa Instagram ni Judy Ann ang mga pictures ng kanyang mag-aama sa vaccination site.
“Finally!! Our little ones got their first dose of pfizer vaccine today!
“The waiting time is very forgivable bilang drive thru vaccine, the kids are not exposed to a lot of people.
“(We commend) the effort that DOH put and the team of doctors headed by dr. @ayenuguid and dr. @ romeonuguidmd , with them are more than 50 nurses and doctors facilitating the vaccination.
“There are cocomelon mascots, anna and elsa, cheering the kids during the jab,” ani Judy Ann.
Sinabi rin ng aktres na isinabay na rin niya ang kanyang pagpapa-booster shot.
“May libre pang balloons! Hats off to all the frontliners for doing this,” dagdag ni Judy Ann.