Metro Manila mananatili sa Alert Level 2 hanggang Peb. 28

MANANATILI sa ilalim ng Alert Level 2 status ang Kamaynilaan hanggang sa Pebrero 28, 2022, sa kabila nang patuloy na pagbaba ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Nauna nang nagpahayag ang mga alkalde ng Metro Manila na nais nilang mapanatili sa Alert Level 2 ang status sa National Capital Region hanggang sa katapusan ng buwan.

Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang limited face-to-face classes, dine-in services, religious gatherings, at personal care services, hanggang 50 percent capacity.

Samantala, mananatili sa Alert Level Status 3 ang pitong iba pang lugar simula Pebrero 16 hanggang 28. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Iloilo City
Iloilo Province
Guimaras
Zamboanga City
Davao de Oro
Davao Occidental
South Cotabato