INANUNSYO ng Malacanang ang bagong quarantine status sa Metro Manila at apat na kalapit-probinsiya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ilalagay sa modified enhanced community quarantine simula bukas, Abril 12 hanggang 30 ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Sa MECQ rin ilalagay ang syudad ng Santiago, lalawigan ng Quirino at Abra sa region 2.
Samantala, inilagay naman sa mas maluwag na quarantine o general community quarantine ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur at Quezon hanggang Abril 30.
Habang ang mga natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified general community qurantine.