SINABI ng Department of Health (DOH) na inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authority (EUA) ang bivalent vaccine ng Moderna at Pfizer laban sa COVID-19.
Idinagdag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire inaprubahan ang EUA noong isang linggo.
Idinagdag ni Vergeire na inaprubahan din ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council.
Ayon pa kay Vergeire, maglalabas din ng panuntunan kaugnay ng mga prayoridad na populasyon sa gagawing pagbabakuna ng bivalent vaccine.
“We are pursuing the procurement of bivalent vaccines because articles and evidence have shown na ito ay mas makaka-protect sa ating kababayan because of component on Omicron variant,” sabi ni Vergeire.
Tinatarget ng vibalent COVID-19 vaccine ang orihinal na coronavirus strain at Omicron BA.1 subvariant. Ayon sa pag-aaral, nagbibigay ito ng mas matinding proteksyon laban sa mga Omicron subvariants gaya ng BA. 4 at BA.