ASAHAN na magpapatupad ng mas istriktong quaranting protocols ang pamahalaan para maiwasan ang surge ng COVID-19 infection dala ng Delta variant.
Ito ang sinabi Biyernes ng umaga ni Health Secretary Francisco Duque III.
Bago magtanghali, iaanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desisyon ng Palasyo hinggil sa mga naunang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.
Isa umano sa tinitingnan na maaaring gawin ng pamahalaan ay limitahan ang paggalaw ng mga taong hindi pa bakunado.
Gayunman, sinabi ni Duque na pinag-aaralan pa ng Department of Justice kung ang nasabing hakbang ay hindi maituturing na diskriminasyon.