PLANO gawing vaccination site ng Manila government ang newly renovated na Manila Zoo para sa mga menor de edad at senior citizen.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nakatakdang buksan ang zoo sa darating na linggo.
“In a matter of few hours, in a matter of day or two, 48 hours or 24 hours, makakakuha na kayo ng abiso sa ‘min,” aniya ng alkalde.
Sinabi pa niya na bukod sa magpapabakuna ay maaari na ring makapasyal ang mga bata at matanda habang nasa pila.
“So we thought, dahil sa nagre-request na mga tao sa Manila Zoo, at least magkaroon sila ng sneak peek. At marami naman na ang mapapasyalan dito – open air, maaliwalas. Double purpose pa, maipapasyal nila ang kanilang apo o yung mga lolo at lola,” paliwanag ni Moreno.
“At the same time, di kami nakiligaw sa goal which is proteksyon ng tao, ‘yung added proteksyon,” dagdag pa niya.