IBINASURA ng Department of Health (DoH) ang panukalang gawing mandatory ang booster card sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na paiigtingin na lamang ng pamahalaan ang ginagawa nitong information campaign para makumbinsi ang mga fully vaccinated na magpabakuna muli.
“Naiintindihan natin kung saan ang perspektibo ng ating Presidential Assistant Joey Concepcion. Gusto niya ng full protection, pero sa ngayon ang ating gagawin ay magbigay tayo ng information at pakikiusapan sa mga booster,” sabi ni Cabotaje.
Nauna nang ipinanukala ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na dapat na hingan ng booster card ng mga establisyemento ang mga kostumer.
“Alam natin na ang ating numero ng pagbabakuna sa mga nakalipas nang linggo, mahina lalung-lalo na ang booster sa iba’t ibang kadahilanan. Habang ang hesitancy ay bumaba, walang urgency iyong pagpapa-booster kasi sa karamihan sapat na iyong two dose at saka iyong ‘no vax, no entry’ hanggang two dose,” aniya.