HINDI pagbabawalang lumabas ng kanilang mga tahanan ang mga taong magpapabakuna, ayon sa Interior and Local Goverrnment.
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, kailangan lamang magpakita ng vaccination card o pruweba na naka-schedule ang isang indibidwal para makapagpabakuna.
“Hihingin lamang ang vaccination card o kaya text o notice mula sa LGU (local government unit) na sila ay naka-schedule for bakuna at sila ay papayagang makalabas ng kanilang mga bahay,” pahayag ni Malaya.
Nauna nang sinabi ng Metro Manila Council chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na maaaring magkaroon ng house-to-house vaccination sa National Capital Region sa Agosto 6.