LOCKDOWN, DISASTER SA EKONOMIYA — DUTERTE

Duterte covid-19

IBINASURA ni Pangulong Duterte ang posibilidad na magdeklara muli ng lockdown sa bansa dahil delubyo ang magiging epekto nito sa ekonomiya.

“So kung sarahan mo naman ‘yan lahat, medyo tagilid na ang ekonomiya. And that’s a problem. It will be disaster for our country,  so balance-balance na lang tayo,” sabi ni Duterte.

Naniniwala rin siya na maliit pa rin ang bilang ng mga tinatamaan ng Covid-19 kahit pa mahigit 8,000 na ang naitalang bagong kaso kahapon.

“Maliit pa naman ito. It’s just a small — not really small but a — not so many are being affected hindi afflicted,” ayon sa Pangulo.