Laguna governor positibo sa Covid-19

INANUNSYO nitong Linggo ni Laguna Governor Ramil Hernandez na positibo siya sa Covid-19.


Sa Facebook, sinabi ni Hernandez na noong Sabado pa niya nalaman ang resulta ng kanyang test at kasalukuyan siyang naka-quarantine.


Mayroon lamang siyang mild na sintomas.
“Bahagi na ng ating trabaho bilang public servant ang pakikisalamuha sa maraming iba’t ibang tao sa araw-araw. Kaya nga po siguro kahit lubos ang aking pag-iingat ay hindi na rin naiwasan na ako ay mag-positibo sa Covid-19,” ani Hernandez.


Idinagdag ng gobernador na tuloy ang kanyang pagtatrabaho sa bahay.
Humingi naman siya ng dasal para sa agaran niyang paggaling.