Kulong sa mga anti-vaxxers – Duterte

NAGBABALA si Pandulong Duterte sa publiko, lalo na sa mga indibidwal na ayaw magpabakuna.

Ayon kay Duterte, ipaaresto niya ang mga pasaway na ayaw magpabakuna kontra sa coronavirus disease.

“Ang tigas ng ulo eh. Kaya ‘pag… Don’t — don’t get me wrong. There is a crisis being faced in this country. There is a national emergency. Kung ayaw mong magpabakuna, ipaaresto kita,” pahayag ni Duterte sa kanyang regular na Talk to the Nation nitong Lunes ng gabi.

“At ang bakuna ay galing — itusok ko sa puwet mo. P***** i**. Bwiset kayo. Eh hirap na nga tayo tapos nandiyan pa kayo,” dagdag pa nito.

Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health, mahigit dalawang milyong Pilipino na ang naka-kumpleto ng kanilang dalawang doses ng bakuna kontra COVID-19.