SINABI ng OCTA Research Group na hindi nito inaasahan ang sobrang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa matapos maitala ang unang kaso ng Omicron subvariant BA.4.
Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David kinakailangan pa rin ang pag-iingat para maiwasan ang pagdami ng kaso ng Covid-19.
“This is the variant of concern detected in South Africa. In South Africa, there was a surge in cases that was about half of the peak of the original omicron. If this causes a surge in the PH, the peak will also be much lower. Still, let’s all be cautious,” sabi ni David.
Nauna nang sinabi ng DOH na naitala ang kaso ng Omicron subvariant BA.4 mula sa isang Pinoy na umuwi galing Middle East noong Mayo 4.
Ngayong May 21, nakapagtala ng 246 bagong ng Covid-19, 104 na nakarekober, 2,258 na aktibong kaso sa bansa.
Nasa 1.1% positivity rate ay kaso naman ang naitala sa Metro Manila.