BUMABA na sa 2,000 ang mga kaso ng Covid-19 kada araw sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research.
Sa isang panayam, inanunsyo ni OCTA fellow Guido David na 65 porsyento ang ibinawas ng mga kaso ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR) kumpara noong Abril.
“We are now averaging less than 2,000 cases per day, ‘yung seven-day average in the NCR,” sabi niya Aniya pa, nasa 13 porsyento na lamang din ang positivity rate sa NCR.
Bagamat maaari nang magdeklara ng general community quarantine (GCQ) sa NCR Bubble plus dahil dito, sinabi ni David na kailangang dahan-dahanin ng pamahalaan ang pagluluwag sa quarantine status ng rehiyon.
“We just want to caution the government kung magluluwag tayo dahil ayaw natin na magkaroon ng biglang pagbubukas at pagluluwag na katulad ng nangyari sa Caloocan,” ani David. –WC