SINABI ni Octa Research Group na inaasahang bababa sa 500 kada araw ang mga bagong kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa katapusan ng Setyembre.
Idinagdag ni Octa Research Group fellow Dr. Guido David na aabot na lamang ng 1,000 kada araw ang mga kaso ng Covid-19 sa kalagitnaan ng Setyembre.
“Current trends project to less than 1,000 new cases per day by mid September and 500 daily by end of September,” sabi ni David.
Idinagdag ni David na bumaba rin ang reproduction rate ng Covid-19 sa bansa ng 0.91.
Ayon kay David, bumagsak din sa 15 porsiyento ang pitong-araw na average ng bagong kaso ng Covid-19 matapos makapagtala ng 2,959 base sa mga datos noong Agosto 27.