SINABI ng OCTA Research Group na tumaas sa 14 porsiyento ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.
“It was at 79 cases per day, so, kapag ikukumpara natin, 79 to 90, this is 14% higher. Iyong pinakamababa natin was about three weeks na nag-a-average tayo ng mga 63 cases per day. From 63 na pinakamababa, ngayon ay nasa 90 cases per day,” sabi ni OCTA Research Group fellow Guido David.
Idinagdag ni David na bagamat wala pang dahilan para magtaas ng alert level sa Metro Manila, dapat pa ring itong ikabahala.
“Nandiyan iyong may slight concern na iyon nga, bahagyang tumataas kada linggo ang mga bilang ng kaso sa Metro Manila. Iyong reproduction numbers, 1.25 tapos iyong positivity rate ay tumataas din,” aniya.