TUMAAS ng 19 porsiyento ang kaso ng Covid-19 sa Metro Manila, ayon sa Octa Research Group.
Sinabi ni Octa Research Group fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng 214 bagong kaso ng COVID-19 ngayong Biyernes kung saan 90 kaso ay nairekord sa Metro Manila. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), tatlo ang nasawi at 214 naman ang bagong kaso.
Umabot naman sa 2119 ang aktibong kaso, kung saan 1.1% ang positivity rate sa buong bansa.
Umakyat naman sa 19 porsiyento ang mga kaso sa National Capital Region.
Ayon kay David, nasa 0.90 ang reproduction rate sa NCR at less than 1 naman ang average daily attack rate of ADAR.
Idinagdag ni David na sa kabila ng pagtaas, nananatili sa low risk ang Metro Manila.