NAGBABALA si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posible umabot ng 1,200 kada araw ang mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng Hunyo.
“Ang projections that by the end of June, maaari na aabot tayo to 800 to 1,200 cases per day kung magtutuloy-tuloy ang mga kaso natin sa ngayon,” sabi ni Vergeire sa Laging Handa briefing.
Idinagdag ni Vergeire na sakaling umabot ang mga kaso ng 800, posibleng ideklara ang Alert Level 2 sa bansa.
“Kapag tiningnan natin ang ating mga metrics, we will be escalated to Alert Level 2 or itong moderate risk nga na klasipikasyon, kapag ang ating Average Daily Attack Rate (ADAR) or iyong mga new cases in an area would be more than six per one hundred thousand population,” dagdag ni Vergeire.
Kasabay nito, nanawagan si Vergeire sa publiko na sumunod sa health protocol, para makaiwas sa impeksyon.
“Gusto lang natin magpaalala sa ating mga kababayan, nakikita natin na medyo tumataas ang mga kaso sa ating bansa, sa iba’t ibang lugar. Nakikita natin at alam natin na pumasok na itong mga sinasabi nilang subvariants ng Omicron na sabi base sa ebidensiya ay more transmissible,” ayon pa kay Vergeire.