AABUTIN nang isang buwan, hindi dalawang linggo, bago bumaba ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa kahit pa inilagay sa general community quarantine bubble ang Metro Manila at apat na katabing probinsya.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, nang inilagay sa modified enhanced community quarantine ang mga nasabing lugar ay inabot nang 28 araw bago nabawasan ang mga kaso.
“That could be like a best case scenario, it could take us for about four weeks to start having a decrease in cases basing it on history,” aniya.
Sa kasalukuyan, ang reproduction number ng Covid-19 sa Metro Manila ay 2.1. Ang reproduction number, na tinatawag ding R-naught o R0, ay ang transmission rate ng sakit, kung saan ang numero ay katumbas ng dami ng tao na mahahawahan ang isang pasyente.
“If we want to reduce the number of cases, that means we have to reduce the reproduction number from 2 all the way down to 1,” dagdag ni David.