MAY 651 bagong kaso ng Delta variant ang naitala ngayon, ayon sa Department of Health (DoH).
Sa Monday briefing ng DOH, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahil sa bagong mga kaso, umabot sa 5,982 ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa bansa .
Idinagdag ni Vergeire na may nadiskubre ring bagong variant na tinawag na B.1.617.1. variant o Kappa variant, na aniya’y isang variant under monitoring.
“Variant of concern cases only accounted for only 24.8 percent of the samples collected in the month of February of this year. in March, however, the variant of concern comprised of 82.2 percent of the total samples,” sabi ni Vergeire.