Kabataan madaling kapitan ng Delta variant–experts

KAILANGANG maprotektahan ang mga kabataan sa Delta variant ng Covid-19 dahil karamihan ng tinamaan nito sa UK ay may edad 12 hanggang 20.


Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Infectious Disease Specialist Dr. Karl Henson na base sa karanasan ng UK, doble ang hospitalization rate ng mga kabataan sa Delta variant kumpara sa UK variant.


“It’s possible din talaga na mas madali siyang kumapit sa mga bata,” ani Henson.


Nababahala rin ang doktor sa mga sintomas ng nasabing variant.


“Kapag nagkasakit kasi medyo iba ang sintomas ng Delta variant, halos walang ubo raw, hindi rin nawawala ang panlasa. Most likely na ma-ignore ng mga pasyente lalo na kung very mild ang symptoms,” dagdag ni Henson. –WC