Julie Ann San Jose bumida sa billboard sa Times Square sa New York

ISANG dream come true kay Julie Ann San Jose ang malagay sa billboard sa Times Square sa New York City.

Bumaladra ang face ng singer matapos bigyan ng electronic billboard ng isang music streaming service.

Hindi umano siya makapaniwala pero labis ang pasasalamat sa naturang karangalan.

Noong 2020, napili si Julie Ann na umawit sa soundtrack ng international animation film na “Over the Moon.”

Samantala, nito lamang Pebrero ay pangalawang beses na naitampok ang fashion icon na si Heart Evangelista sa parehong billboard.