MAGPAPAUTANG ang Japan ng P13.3-billion (JPY30 billion) sa Pilipinas bilang suporta sa emergency response ng gobyerno sa COVID-19.
Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinumpirma ang panukala matapos na magpalitan ng diplomatic notes sina DFA Undersecretary Lourdes Yparraguirre at Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko sa suporta sa pagpapautang ng Japan.
Ang loan, na tinatawag na COVID-19 Crisis Response Emergency Loan Support Phase 2, ay nagdaragdag sa dating loan ng Japan sa Pilipinas na nagkakahalaga ng JPY50 bilyon na nilagdaan noong Hulyo 2020.
“The latest loan package supports the Philippines’ efforts to recover from the economic impacts of Covid-19, and building public health and economic resilience against such future emergencies,” ayon sa DFA.
Ang Japan ang top official development assistance partner ng bansa at tumutulong sa pag-unlad ng Pilipinas.
Sinusuportahan nito ang mga prayoridad sa pag-unlad ng bansa sa imprastraktura, kalusugan, human resources, agrikultura, edukasyon, humanitarian assistance, at disaster relief, bukod sa iba pa.