Ivermectin aprubado na para sa tao pero…

INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit sa tao ng ivermectin, pero hindi bilang gamot sa Covid-19.


Inanunsyo ni FDA director general Eric Domingo na binigyan na ng certificate of product registration ang Lloyd Laboratories para sa paggawa at magbenta ng ivermectin.


Pero, ani Domingo, binigyan nila ng permit ang ivermectin bilang antinematode drug o gamot kontra bulate.


“Ang certificate of product registration para sa Ivermectin ay hindi para panggamot sa Covid-19,” giit ng opisyal. Idinagdag niya na kailangan muna ng reseta bago makabili nito sa botika.