PWEDE ang indoor dine-in services sa pasimula ng implementarsyon ng Alert Level 4 sa Metro Manila sa Huwebes, September 16, ayon kay Tourism Secretary Bernadetter Romulo-Puyat.
Kaya lang, hanggang 10 percent seating capacity lang ang papayagan sa mga indoor dine-in at para lang ito sa mga tao na fully vaccinated.
Papayagan din naman ang mga semi-vaxxed at hindi pa mga bakunado na makapag-dine-in kung outdoor o al-fresco setting. Hanggang 30 porsiyento ang seating capacity ang maaaring mag-outdoor dine-in, paliawanag ng opisyal.
Pinaalalahanan din ni Puyat ang mga taong nais mag-dine-in na dalhin palagi ang kanilang mga vaccination card dahil tiyak na hihingin ito sa kanila.
Ayon kay Romulo-Puyat, 90 porsyento ng mga tourism workers sa Metro Manila ay bakunado na.