Imus mayor positibo sa Covid-19


“SA kabila ng ating labis na pag-iingat, ikinalulungkot ko pong ibalita na ang inyong lingkod ay positibo sa Covid-19.”


Ito ang inanunsyo ngayong araw ni Imus, Cavite Mayor Emmanuel Maliksi.


Kasalukuyang naka-isolate ang alkalde at nagpapagaling sa South Imus Specialist Hospital.


Dagdag ni Maliksi, mananatiling bukas ang mga serbisyo ng pamahalaan para sa mga residente lalo na sa kritikal na panahong ito.


“Pagtutulungan at panalangin ng kagalingan at maayos na kalusugan ang tanging hiling natin para sa lahat. Babangon tayo at sama-sama nating malalagpasan ito,” pahayag niya.


Lagpas 1,000 na ang active Covid-19 cases sa Imus. –A. Mae Rodriguez