NAGPASAKLOLO na si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa national government sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa lungsod.
Sa isang panayam, sinabi ni Treñas na humingi na siya ng tulong mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga ospital na puno na ng mga pasyente.
Inireklamo rin ni Treñas ang kabiguan ng Philippine Health Insurance Corp.
(PhilHealth) na bayaran ang obligasyon nito sa mga ospital na aabot na sa P53 milyon.
Ayon pa sa alkalde, humiling na rin siya ng karagdagang bakuna mula kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr.
“If you can recall, OCTA Research group said the vaccine should be allocated to the NCR Plus and the eight other cities, because of that, we are really short of vaccines. If you are feeling a certain state of normalcy in the NCR, we are not feeling that,” sabi ni Treñas. –WC