Ika-3 dose ng Sinovac OK ang epekto — medical expert

MAGANDA ang epekto ng pangatlong shot ng Sinovac para sa mga indibidwal, ayon sa isang medical expert.


Sa Laging Handa public briefing nitong Sabado, sinabi ni vaccine expert panel member Dr. Rontgene Solante na posibleng iturok ang Sinovac bilang booster shot para sa karagdagang proteksyon laban sa Covid-19.


“Maganda ang epekto ng pagkakaroon ng booster shot ng Sinovac vaccine,” ani Solante.


Dagdag pa niya, mayroon na silang rekomendasyon sa Department of Health sa paggamit nito.


Samantala, naniniwala si Solante na malaking tulong ang pagkakaroon ng granular lockdown sa Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng virus. –WC