Ifugao ibinaba sa Alert Level 3

INIHAYAG ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na ibababa na ang Ifugao sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 4 simula Pebrero 1 hanggang 15, 2022.

Sa kanyang briefing, ipinagtanggol din ni Nograles ang desisyon na ipatupad ang Alert Level 2 sa Metro Manila epektibo bukas.

Aniya, nasa 49 porsiyentp na ang bed utilization rate sa National Capital Region (NCR) at nasa moderate risk naman ang dalawang linggong growth rate.

Idinagdag ni Nograles na umabot na sa 58 milyon ang fully vaccinated sa bansa at 7.3 milyon naman ang may booster na.