DUMISTANSIYA ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa panukalang maging mandatoryo ang pagsusuot ng vaccination card na tila parang ID.
Sa isang panayam, iginiit ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na personal na opinyon ni DILG Undersecretary Martin Dino ang naturang panawagan.
“Yung po ay suhestiyon lamang ni Usec Martin Dino ngunit bilang isang kagawaran, hindi po namin polisiya, hindi po officially sinusulong namin,” sabi ni Malaya.
Aniya, ipinasa na ng DILG ang naturang panukala sa Inter-Agency Task Force (IATF).
“Pero lilinawin ko lang po na it is just a suggestion at wala pang desisyon ang IATF,” aniya.