PAPAYAGAN na ng pamahalaan ang mga kolehiyo at unibersidad na magsagawa ng 100 percent face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.
Ito ang sinabi ng Malacanang ngayong Biyernes matapos kumpirmahin na inaprubahan ng ng IATF ang guidelines para sa 100 percent in-person classes na nakadetalye sa Resolution No. 164.
“On classroom capacity, the allowable seating capacity in classrooms of HEIs in areas under Alert Level 1 is at a maximum of 100% capacity,” pahayag ni acting deputy presidential spokesperson Kristian Ablan.
Gayunman, tanging mga fully vaccinated na guro, non-teaching personnel at mga estudyante ang papayagan sa in-person classes.
Ang mga partially vaccinated at hindi mga bakunado ay ilalagay pansamantala sa flexible learning modalities, paliwanag pa ng opisyal.