IATF naglabas ng pamantayan sa Alert Level 1

NAGLABAS ng panuntunan ang Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Linggo kaugnay ng implementasyon ng ng Alert Level 1 simula Marso 1 hanggang 15, 2022.

Kabilang sa mga bagong regulasyon sa Alert Level 1:

* Pagsusuot ng mask sa lahat ng oras, sa labas man o sa loob ng mga pampubliko at pribadong establisyemento, kabilang na ang lahat ng pampublikong transportasyon sa lupa, air o karagatan.

* Maaari nang mag-operate ng 100 porsiyento ang lahat ng pribadong opisina, kabilang ang pampubliko at pribadong construction sites.

* Dapat din sumunod ang mga ahensiya ng pamahalaan sa 100% on-site workforce.

* Papayagan na rin ang 100% full seating capacity sa mga pampublikong transportasyon

* Para intrazonal at interzonal travel, sa pagitan ng mas mataas na alert level, susundin ang kapasidad kung saan nanggaling ang pampublikong sasakyan

* Para sa aviation, maritime at rail public transport, papayagan na ang 100% na kapasidad.

* Hindi kailangan ang paggit ng acrylic o plastic dividers sa mga pampublikong transportasyon.

* Hinsi na rin kailangan ang paggamit ng Safe, Swift and Smart Passage (S-PaSS).

* Hindi na kailangan ng contract tracing, health declaration form sa mga establisyemento.

* Opsyonal nan ang mga digital contact tracing para sa lahat ng ahensiya at establisyemento

* such as the StaySafe.PH application is optional for all the agencies and establishments.

* Kakailanganin lamang ang antigen test sa mga symptomatic na indibidwal.

* Hindi na kailangan ang isolation facilities sa loob ng mga tanggapan.

* Kailangan namang maglabas ng ebidensiya ang lahat ng edad 18 na sila ay fully vaccinated bago makalahok sa mass gathering kabilang dito ang mga sumusumod:

1. religious gatherings; necrological services, burol, inurnment at libing para sa mga namatay sa Covid-19

2. Lahat ng indoor dine-in services

3. Lahat ng indoor personal care establishments kagaya ng barbershop, hair spa, hair salon, at nail spa, at mga nag-aalok ng aesthetic/cosmetic services, make-up services at home service.

4. Fitness studio, gym at mga venue para sa ehersisyo at isports.

5. Lahat ng indoor cinema na magsasagawa ng full capacity.

6. Meeting, conference, exhibition events at pinapayagang pagtitipon gaya ng mga party, wedding reception, engagement party, wedding anniversary, debut at birthday party, family reunion, at bridal o baby shower.

7. Karaoke bar, clubs, concert halls at theaters.

8. Mga pagtitipon kaugnay ng eleksyon.